^

Probinsiya

Mag-asawang matanda pinatay sa palikuran

Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines   â€“ Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang matanda makaraang pagpapaluin ay pinagsasaksak pa ng mga di-kilalang lalaki sa loob ng palikuran sa Cabuyao City, Laguna kahapon ng mada­ling araw.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Jesus Gatchalian, Region 4 PNP director, kinilala ang mga biktimang sina Cristeto Sotoya, 81; at Leticia, 78, kapwa nakatira sa Block 129 Lot 2, Phase 2, Mabuhay City sa Barangay Mamatid sa nabanggit na lungsod.

Base sa police report, lumilitaw na nagising ang apo ng mag-asawang matanda mula sa ikalawang palapag ng bahay nang marinig nito ang tumutulong tubig sa palikuran ng matanda sa ground floor ng bahay bandang alas-2:30 ng madaling araw. 

Nang bumaba ang apo para mag-usisa, bumungad sa kanya ang duguang katawan ng lolo’t lola sa loob ng kanilang palikuran.

Dito nagmamadaling umakyat ang apo sa bahay para gisingin ang iba pang kapatid at humingi ng tulong sa mga kapitbahay.                                 

Ayon sa mga imbestigador ng pulisya, nagtamo ng malalalim na saksak ang mag-asawa at may sugat pa sa ulo na pinaniniwalaang hinampas ng matigas na bagay.

Narekober sa crime scene ang isang kutsilyo, tinidor at kahoy na ginamit na pampatay sa dalawang matanda habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya.

 

AYON

BARANGAY MAMATID

CABUYAO CITY

CHIEF SUPT

CRISTETO SOTOYA

DITO

JESUS GATCHALIAN

MABUHAY CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with