_ngayon
^

Probinsiya

Stude itinumba sa JS prom

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Napatay ang 24 -anyos estud­yante matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki habang ito ay nagpapalit ng damit para sa presentasyon sa JS prom kamakalawa ng gabi sa Barangay Cagbagtang, bayan ng Cataingan, Masbate. Hindi na umabot pa ng buhay sa Cataingan District Hospital ang biktimang si Jomie Masarque, 4th year high school at nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril bandang alas-9:10 ng gabi habang ang biktima ay nagpapalit ng damit kasama ang kanyang mga kaklase na dumalo sa JS prom sa barangay plaza. Kabilang ang biktima sa programa sa kanilang okasyon nang ratratin sa gilid ng stage. Dahil sa insidente ay nagtakbuhan palabas ng plaza ang mga estudyante kung saan mabilis naman na tumakas ang suspek na nakisabay na rin sa takbuhan.

ALBAY BARANGAY CAGBAGTANG CATAINGAN CATAINGAN DISTRICT HOSPITAL DAHIL JOMIE MASARQUE KABILANG MASBATE NAPATAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with