Rider pisak sa truck, tinakasan pa
Cristina Go Timbang (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2014 - 12:00am

Cavite, Philippines - — Patay agad ma­tapos mapuruhan nang sumalpok na truck ang isang 45-anyos na mister habang ito ay sakay ng kanyang motorsiklo at bumabagtas sa kahabaan ng Tirona Highway, Brgy.  Habay 1, Bacoor Cavite.

Ang biktima ay  kinilala ng pulisya na si Nicolas Valla, 45,  residente ng Blk. 7, Lot 24, Ph.3 Homer Homes, Brgy. Alapan 2-A, Imus City, Cavite.

Mabilis namang tumakas ang truck driver makaraang masalpok ang biktima.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Angelito Roxas,  alas-11:45 ng gabi ng maganap ang insidente habang ang biktima ay lulan sa  kanyang single na motor (1637-DB) Honda na kulay itim at bumabagtas sa nasabing highway.

Bigla na lamang umano itong tumilapon matapos na tumbukin ng isang truck na hindi nakuha ang plaka. Sa halip na huminto ay huma­rurot pa umano ang nasabing truck at iniwan ang naka­bulagtang biktima.

ALAPAN ANGELITO ROXAS BACOOR CAVITE BATAY BRGY HOMER HOMES IMUS CITY NICOLAS VALLA TIRONA HIGHWAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with