^

Probinsiya

Katiwala sa sakahan, dinedo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO a a – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya napatay ng magsasaka ang 60-anyos na katiwala sa sakahan sa Barangay Datu Mantangkil, bayan n Arakan, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Senior Insp. Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Federico Salvani na tumatayong katiwala sa sakahan ni Rolly Leoncito. Ayon sa report, nagkaroon umano ng di- pagkakaunawaan ang dalawa hanggang sa humantong sa pananaksak ng suspek na si Jerry Reyes, 39, magsasaka at tubong Arakan. Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa kanilang amo na may-ari ng sakahan kung saan agad na tinurn-over sa Arakan PNP. Sa ngayon inihahanda na ang kasong kriminal na kakaharapin ng suspek habang naghihimas ito ng malamig na rehas bakal.

ARAKAN

AYON

BARANGAY DATU MANTANGKIL

BOLUNTARYO

FEDERICO SALVANI

JERRY REYES

NORTH COTABATO

ROLLY LEONCITO

ROLLY ORANZA

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with