_ngayon
^

Probinsiya

2 mister nakuryente, patay

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Naging mitsa ng kamatayan ng dalawang mister ang pangunguryente ng isda matapos na aksidenteng makuryente habang namimingwit sa Cabatangan River sa Brgy. Lourdes, Pandan, Catanduanes kamakalawa. Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Ronnie Rodriguez, 49 anyos at Celso Vitalico, 45, pawang mga residente sa lugar.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-10 ng umaga habang nangunguryente ng isda ang magkaibigan sa nasabing ilog ng maganap ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, sa sobrang galak ng mga biktima sa nahuhuling mga isda ay nakaligtaan ng mga ito na nakalapat sa tubig ang kawad ng panguryente ng isda  na isinabit ng mga ito sa live wire.

Dahil dito, tuluy-tuloy na dumaloy sa katawan ng mga ito ang malakas na boltahe ng kuryente na siyang kumitil sa kanilang buhay.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kasong ito.

 

AYON BRGY CABATANGAN RIVER CATANDUANES CELSO VITALICO DAHIL INIIMBESTIGAHAN KINILALA RONNIE RODRIGUEZ
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with