^

Probinsiya

Magkaibigan utas sa killer trak

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - - Patay ang magkaibigang nakamotorsiklo makaraang salpukin ng 10-wheeler truck sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Poblacion, bayan ng Antipas, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Kinilala ang dalawa na sina Nilo Manalo, driver ng motorsiklo at Michael Orcajada na kapwa nakatira sa Purok Malipayon sa nasabing barangay. Hindi napansin ng driver ng trak na si Virgilio Blando ang paparating na motorsiklo ng mga biktima nang magtangka itong mag-overtake sa motorsiklong sinusundan. Sinubukan pa ni Manalo na iiwas sa trak ang motorsiklo subalit nabigo ito at tuluyang bumangga. Boluntaryo namang sumuko ang  driver ng truck matapos ang aksidente.

ANTIPAS

BARANGAY POBLACION

BOLUNTARYO

KINILALA

MANALO

MICHAEL ORCAJADA

NILO MANALO

NORTH COTABATO

PUROK MALIPAYON

VIRGILIO BLANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with