^

Probinsiya

10-anyos binoga ng 11-anyos kalaro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakiki-pagbuno kay kamatayan ang 10-anyos na totoy makaraang mabaril ng kala-rong 11-anyos sa Purok 5, Barangay Nangapugan, bayan ng San Quintin, Pa­ngasinan noong Miyer­kules.

Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Insp. Aurelio Manantan, hepe ng San Quintin PNP ang biktima na si Jonathan Ordanza, nagtamo ng tama ng bala sa dibdib kung saan naisugod sa Tayug Family Clinic.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa bahay ng suspek na itinago sa pangalang Jepoy kung saan naiwang mag-isa dahil may pinuntahan ang kanyang mga magulang.

Gayon pa man, naghakot ng mga kalaro  ang sus­pek at naghalughog ito sa kanilang bahay para mag­hanap ng laruan.

Natagpuan naman ng  sus­­pek ang nakatagong ba-ril na inakala nitong laruan kaya binaril ang biktima na duguang napalupasay sa sahig.

Tumangging makipagtulungan sa pulisya ang mga magulang ng suspek kung saan ayaw ding isuko ang baril na ginamit sa biktima.

“We are still determi­ning the liability of the pa­rents, we urge them to sur­render the firearm and to cooperate to authorities  in the investigation otherwise we will file search warrant,” ayon pa sa opisyal kaugnay ng kasong kriminal na isasampa laban sa mga magulang ng suspek. Joy Cantos

AURELIO MANANTAN

BARANGAY NANGAPUGAN

GAYON

JONATHAN ORDANZA

JOY CANTOS

SAN QUINTIN

SENIOR INSP

SHY

TAYUG FAMILY CLINIC

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with