^

Binata natusta sa basketball court

Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - December 21, 2013 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines -- Isang 24 anyos na binata ang nasunog matapos makur­yente habang nag-aayos ng kanilang palamuti para sa gagawing okasyon sa kanilang basketball court sa Brgy. Lydia, Marcos, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ni SPO4 Prudenco Bolanday ng Marcos Police ang nasawi na si Lindbergh Andres ng nasabing lugar.

Nabatid na isa sa mga nagsasaayos ng basketball court ang biktima para sa gagawing Christmas gatherings nang masagi ng tangan niyang kawayan ang bukas na kawad ng kuryente ng Ilocos Norte Electric Cooperative at doon ay nangisay ito sa harap ng iba pang mga ka-barangay.

Isinugod ang biktima sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa katabing lungsod ng Batac subalit hindi na rin ito nailigtas ng mga doktor.

BATAC BRGY ILOCOS NORTE ILOCOS NORTE ELECTRIC COOPERATIVE ISANG ISINUGOD LINDBERGH ANDRES MARCOS POLICE MARIANO MARCOS MEMORIAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER PRUDENCO BOLANDAY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with