Kuya dedo kay bunso
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 23-anyos na kuya matapos itong pagsasaksakin ng kanyang bunsong kapatid dahil sa ma­tinding galit noong Biyernes ng hapon sa Sitio Uwak, Barangay Licomo, Zamboanga City, Zamboanga Del Sur. Kinilala ang biktima na si  Elvin Sarange, may asawa habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Benjie Sarange, 20, kapwa nakatira sa nasabing barangay.  Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naghahanda ng kanilang hapunan ang biktima nang dumating ang suspek. Pinagsabihan ng biktima ang kanyang kapatid maghinay-hinay sa kalalabas ng bahay subalit nairita ang suspek kung saan humantong sa pananaksak.

 

BARANGAY LICOMO BENJIE SARANGE BIYERNES CAMP CRAME ELVIN SARANGE KINILALA SITIO UWAK ZAMBOANGA CITY ZAMBOANGA DEL SUR
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with