_ngayon
^

2-anyos anak kinatay ng ina

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2013 - 12:00am

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 2-anyos na nene matapos itong pagsasak­sakin ng sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Calapucan, Barangay Poblacion, bayan ng Monreal, Masbate kahapon ng madaling-araw.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Zhira Ragasa habang nasakote naman ng mga awtoridad ang suspek na si Nerissa Ragasa, 28, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Base sa police report, isinagawa ang krimen bandang alauna y medya ng madaling-araw kung saan mahimbing na natutulog ang bata sa kuwarto.

Napag-alamang nakita ng ilang kapitbahay ang biktima na karga ng kanyang ina na nanlilisik ang mga mata sa hindi nabatid na dahilan.

Ayon  sa ilang kamag-anak na may matinding problema ang suspek na kalimitang nagsasalita na mag-isa at nanlilisik ang mga mata.

Hindi naman binanggit sa ulat kung hiniwalayan ng mister ng suspek kaya naging aburido sa sarili.

 

AYON BARANGAY POBLACION KALUNUS MASBATE MONREAL NAPAG NERISSA RAGASA SITIO CALAPUCAN ZHIRA RAGASA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with