Doktor nalunod, 15 nasagip
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa isang doktor habang 15-katao naman ang nasagip makaraang  lumubog ang pampasaherong bangka sa karagatan ng Dapitan City, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Dr. Bob Aquino na sinasa­bing inatake sa puso matapos malunod base sa resulta ng post mortem examination.

Isa sa mga nasagip na pasahero ay ang photographer na si Jessie Yu na naisugod sa Zamboanga City Medical Hospital sa Dipolog City habang ang nagtitimon na si Anaclito Gallepso at dalawang bangkero ay nasagip naman ng mangingisdang napadako sa nasabing lugar.

Naganap ang sakuna sa karagatan sa bahagi ng Aliguay Island habang ang grupo ni Dr. Aquino ay nagsa­sagawa ng photo shoot sa magandang tanawin.

Pabalik na sa Dapitan City ang mga biktima nang balyahin ng malakas na hangin at alon kaya lumubog ang kanilang bangka.

 

ALIGUAY ISLAND ANACLITO GALLEPSO DAPITAN CITY DIPOLOG CITY DR. AQUINO DR. BOB AQUINO ISA JESSIE YU ZAMBOANGA CITY MEDICAL HOSPITAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with