Farm owner pinabulagta
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Napatay ang 73-anyos na farm owner matapos itong  barilin ng hindi pa nakilalang gunman kamakalawa ng gabi sa Barangay San Roque, bayan ng Lingig, Surigao del Sur. Napuruhan sa ulo ang biyudong si Artemio delos Santos Sr. natagpuan ng anak nitong si Amar delos Santos sa kanilang bukirin bandang als-8:30 ng gabi. Sa pahayag ng anak ng biktima sa mga awtoridad, sinundan niya sa farm ang ama dahil gabi na ay hindi pa ito umuuwi na hindi naman nito nakagawian. Laking gulat nito nang matagpuang nakalupasay sa may damuhan ang ama na may tama ng bala sa ulo. Samantala, ilang minuto bago natagpuan ang bangkay ng matanda ay isang malakas na putok ng baril ang narinig ng ilang residente.

ARTEMIO BARANGAY SAN ROQUE GABI LINGIG NAPATAY NAPURUHAN SAMANTALA SANTOS SR. SURIGAO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with