Trader baon sa utang, nagbigti
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2013 - 12:00am

BULACAN , Philippines   - Pinaniniwalaang may matinding problema sa pinansyal at sinasabing baon sa pagkakautang ang 46-anyos na trader kaya nagdesisyong mag-suicide sa kanyang opisina sa Barangay Longos, bayan ng Pulilan, Bulacan kamakalawa ng hapon. Bandang alas-2:30 ng hapon nang matagpuan ni Allan Ortiz ang kanyang amo na nakabitin na si Noel Santos ng Brgy. Lumang bayan sa bayan ng Plaridel. Ayon kay PO1 Razzle Libunao, hu­ling namataang buhay ang biktima na nagpaalam na sa kanyang mga trabahador at nakitaan ito ng pagkabalisa dahil sa sinasabing hindi makabayad sa malaking halaga na pagkakautang kaugnay sa kanyang negosyo.

ALLAN ORTIZ AYON BANDANG BARANGAY LONGOS BRGY BULACAN LUMANG NOEL SANTOS PINANINIWALAANG RAZZLE LIBUNAO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with