15-anyos napagtripang patayin
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2013 - 12:00am

CAVITE, Philippines - – Napagtripang patayin ang 15-anyos na estudyante makaraang pagtulungang gulpihin at saksakin ng grupo ng tinedyer sa Barangay Ligas 2, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Bugbog-sarado at tadtad ng saksak ang napatay na si John Nicole De Leon habang isa sa mga suspek na si Mark John Aranda ng Las Piñas City ay naaresto ng pulisya. Pinaghahanap naman ang iba pang suspek na sina Aldren “Tere” Ta­bing, Marvin Garcia III, Shawn Miranda, at si John Razel Garcia na pawang nakatira sa Brgy. Zapote 4 sa nasabing lungsod. Ayon kay P03 Angelito Roxas, nag­lalakad ang biktima kasama ang kaibigang si Jerome nang harangin at gulpihin ng mga suspek. Nabatid na tinalo ng biktima ang ilang suspek sa computer game noong nakalipas na linggo.

ALDREN ANGELITO ROXAS BACOOR CITY BARANGAY LIGAS JOHN NICOLE DE LEON JOHN RAZEL GARCIA LAS PI MARK JOHN ARANDA MARVIN GARCIA SHAWN MIRANDA
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with