_ngayon
^

Tsinoy trader nasagip sa kidnaper

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Matapos ang apat na araw na pagkakabihag, nasagip ng mga operatiba ng pulisya ang dinukot na  negosyanteng Tsinoy matapos itong abandonahin ng mga kidnaper sa bayan ng Ramon­ Magsaysay, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng police regional office 9 ang naisalbang biktima na si Lee Tan, 37, ng Pagadian City.

Bandang alas-8:45 ng umaga nang maispatan ng pangkat ni P/Insp. Heide Te-elan ang negosyante habang naglalakad sa bahagi ng Barangay Espe­ranza sa nasabing bayan.

Si Lee ay dinukot ng mga armadong kalalakihan noong Biyernes (Oktubre 5) kung saan napilitan ang mga kidnaper na abando­nahin matapos ma-pressure sa pinalakas na operasyon ng pulisya.

Gayon pa man, inaalam kung nagbayad ng ransom ang pamilya ng biktima.

 

ARIEL HUESCA BANDANG BARANGAY ESPE BIYERNES CHIEF INSP HEIDE TE LEE TAN PAGADIAN CITY SI LEE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with