65 nalason sa food bazaar
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2013 - 12:00am

CAVITE, Philippines - Umabot sa 60 kawani ng pribadong kompanya at 5 trainee na estudyante ang nalason matapos mananghalian sa food bazaar sa Barangay Anabu, Imus City, Cavite kahapon ng tanghali. Naisugod sa ilang ospital ang mga biktima na sinasabing dumalo sa ika-25th anibersaryo ng nasabing kompanya sa nasabing lungsod. Inaalam pa ng kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan kung ang sinasabing pagkain na binalot sa dahon ng saging ang isa sa nakalason sa mga biktima. Nakatakda namang sagutin ng pamunuan ng nasabing kompanya ang lahat ng gastusin sa pagamutan.

BARANGAY ANABU BIKTIMA CAVITE IMUS CITY INAALAM KOMPANYA NAISUGOD NAKATAKDA NASABING UMABOT
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with