Kolektor ng trader bulagta sa holdaper
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2013 - 12:00am

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 38-anyos na kolektor ng negosyante habang nasa kritikal naman ang kasamahan nito matapos barilin ng isa sa dalawang holdaper sa loob ng pampasaherong jeepney sa Barangay Longos, bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon.

Kinilala ang napatay na si Joel Valderama ng Barangay Subic habang kritikal naman ang kasamahan nitong si Bernardo Domingo, 40, ng Barangay San Jose sa bayan ng Baliwag.

Sa ulat ni PO1 Razzle Libunao, sumakay sa jeepney ang dalawa matapos kolektahin ang P.2 milyon  sa negosyo ng kanilang amo. Sa Malolos City subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hinoldap sila ng dalawang di-kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong jeepney (TMH 217).

Gayon pa man, pumalag si Valderama kaya napilitang  pagbabarilin saka tumakas ang gunmen tangay ang P.2 milyong cash na nasa bag ni Valderama.

BALIWAG BARANGAY LONGOS BARANGAY SAN JOSE BARANGAY SUBIC BERNARDO DOMINGO BULACAN JOEL VALDERAMA RAZZLE LIBUNAO SA MALOLOS CITY VALDERAMA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with