_ngayon
^

Probinsiya

Ina, 2 anak pisak sa gumuhong pader

Jonie Capalaran at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 27-anyos na ina at dalawa nitong anak  habang malubha namang ang isa pang anak matapos na mabagsakan ng pader ang kanilang kubo sa Sitio Mabig, Barangay Sabatan sa bayan ng Orion, Bataan kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa St. Michael Hospital subalit namatay din ang mga biktimang sina Maribel Carpio, 27; Seahnea Carpio, 9 buwang gulang; at si Noah Carpio, 5.

Patuloy namang gina­gamot ang isa pang bik­timang nasa kritikal na kalagayan na si Seahn John Michael Carpio, 7.

Sa ulat ni P/Chief Ins­pector Elmer Santiago, hepe ng Orion PNP, naganap ang insidente pasado alas-6 ng umaga habang nasa panaderya ang mister kung saan bumibili ng pandesal para almusalin ng kaniyang pamilya.

Bigla na lamang bumigay ang may sampung talampakang taas at sampu ring metrong lapad na pader na itinatayong bakod kung saan dumagan sa maliit na kubo ng mga biktima.

Sinasabing substandard o mahinang uri ng mater­yales ang ginamit sa itinatayong bakod kung saan manipis ang bakal nito kaya naganap ang trahedya.

Ayon kay Santiago, posib­leng  makasuhan ng multiple homicide at serious physical injuries  ang may-ari ng ipinatatayong bakod na si Engineer  Nelson Santos dahil sa kapabayaan.

Pinaniniwalaang buhos ng ulan kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw kaya dumausdos hanggang sa tuluyang bumigay ang pader­ na kumitil sa buhay ng mag-iina.

 

BARANGAY SABATAN CHIEF INS ELMER SANTIAGO MARIBEL CARPIO NELSON SANTOS NOAH CARPIO SEAHN JOHN MICHAEL CARPIO SEAHNEA CARPIO SITIO MABIG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with