3 Chinese timbog sa P30-M shabu
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tatlong Chinese na hinihinalang big time drug dealer ang nadakip ng mga awtoridad  na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng P30-M halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa Bacoor City, Cavite nitong Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Wang Fangyuan, 43 ; Cai Zhifu, 40 at Guo Kangfu, 37.

Ayon kay PNP –Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) Spokesman Chief Inspector Roque Merdeguia, dakong alas-2 ng madaling araw ng isagawa  ang raid sa isang bahay sa panulukan ng Bakawan at Oak Lane Sts., Meadwood Executive Village, Brgy. Panapaan VIII ng nasabing lungsod sa bisa search warrant na inisyu ng  Branch 78  at Executive Judge ng Quezon City laban sa mga suspek na pawang hindi marunong magsalita ng English .

Nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na kilo ng shabu na nakasilid sa anim na plastic bag na tinatayang nagkakahalaga ng 30 milyong piso.

Bukod dito, nakuha rin mula sa mga suspek ang dalawang sasakyan na kinabibilangan ng isang kulay abong Toyota Innova (ZBU 800 ) at isang kulay abong Nissan Sentra (XLM 971 ) at sari-saring mga dokumento.

Sinabi ng opisyal na posible umanong ginagamit na ‘drying area’ ng shabu ang ikalawang palapag ng nasabing bahay matapos na matagpuan dito ang mga filter paper at kiluhan na ginagamit sa pagpa-packing ng shabu.

 Isinailalim na sa masusing imbestigasyon ang mga suspek sa himpilan ng PNP-AIDSOTF sa Camp Crame habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaso  laban sa mga ito.

BACOOR CITY CAI ZHIFU CAMP CRAME DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE EXECUTIVE JUDGE GUO KANGFU MEADWOOD EXECUTIVE VILLAGE NISSAN SENTRA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with