^

Probinsiya

Mister nag-suicide sa Hall of Justice

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumundag sa kaniyang kamatayan ang 56-anyos na mister matapos tumalon mula sa gusali ng Hall of Justice matapos itong kasuhan ng pananakal ng biyenan  sa Bacolod City, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., director ng Police Regional Office 6 ang nag-suicide na si Hector Villarosa ng Barangay Mansilingan, Bacolod City.

Noong Martes ng gabi ay inaresto ng mga operatiba ng pulisya si Villarosa sa kaniyang tahanan sa Brgy. Mansilingan, Bacolod City matapos naman itong ireklamo ng kaniyang biyenang babae ng pananakal.

Samantala, habang ina­aresto ng pulisya ay bigla na lamang nitong sinunggaban ang butcher knife  at sinaksak ang isa sa arresting team na si PO1 Antonio Jimeno na isinugod sa Bacolod Adventist Medical Center habang ikinulong naman sa detention cell ang suspek.

Ayon kay Cruz, matapos isailalim sa inquest proceedings si Villarosa sa Hall of Justice ng Bacolod City ay bigla na lamang itong tumalon mula sa ikatlong palapag ng gusali.

Pinaniniwalaan namang ayaw makalaboso ng suspek kaya mas piniling magpakamatay.

 

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

ANTONIO JIMENO

BACOLOD ADVENTIST MEDICAL CENTER

BACOLOD CITY

BARANGAY MANSILINGAN

CHIEF SUPT

HALL OF JUSTICE

HECTOR VILLAROSA

NEGROS OCCIDENTAL

NOONG MARTES

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with