6-teams interesado sa PVL Champions League
MANILA, Philippines — Interesado ang anim na Premier Volleyball League (PVL) teams na sumabak sa kauna-unahang Cham-pions League na planong ganapin sa Nobyembre.
Kumpirmado ang pagdalo ng mga kinatawan ng reigning PVL Open Conference champion Chery Tiggo, Cignal, Black Mamba-Army, Sta. Lucia, Petro Gazz at F2 Logistics sa ginanap na manager’s meeting.
Bukod sa anim na PVL teams, nagpahayag din ng interes ang mga koponan mula sa Baguio at Iligan.
Kinumpirma rin ng mga organizers ang tentative date na Nobyembre 13-19 para sa women’s division at Nobyembre 20-26 sa men’s class.
Wala pang napagkasunduang venue kung saan kinokonsidera ang Ilocos Norte, Subic, Pampanga, Batangas at Tagaytay.
- Latest