^

PM Sports

Gilas Pilipinas sasali sa PBA Governors’ Cup?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagama’t nakapagdesisyon na ang  PBA board ukol sa pagtulong sa preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa 2014 FIBA World Cup sa Aug. 30-Sept. 14 sa Spain, may mga nag-uusap-usap pa rin kung paano mabibigyan pa ng sapat na oras ang Pambansang koponan na makapag-training ng buo.

Napapag-usapan ang mungkahing iapela sa PBA board  ang posibleng partisipasyon ng Gilas Pilipinas bilang ika-11th team sa PBA season-ending Governors’ Cup.

“Consultations are on-going. There’s a lot of dialogue and channeling, but there’s an official process,” sabi ni PBA board chairman Mon Segismundo. “That’s a collective decision for the PBA and SBP to make. We need to discuss that very thoroughly because there’s a lot of stakeholders to be considered – the team owners, the teams, the league, the fans.”

Madaling isipin na ang SBP at mga taga-kampo ni MVP ang nag-uusap-usap tungkol dito para masabi sa PBA board meeting bukas.

Alam naman nating si Segismundo, isang Meralco top executive,  ay pabor sa ideyang ito.

“I’m an optimist. I believe in the power of people working together across different organizations for the same purpose and same goal,” sabi pa ng PBA Chairman.

Ang layunin ay bigyan ng sapat na panahon ang Gilas Pilipinas na makapaghanda para sa World Cup pati na rin sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Sa huling resolution na inaprubahan ng board,  ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas  ay ipapahiram ng National team sa pagtatapos ng 2013-14 PBA season sa kalagitnaan ng July.

Napag-usapan ang paglalaro ng Gilas sa Governors’ Cup sa unang ensayo ng Pambansang koponan noong Lunes sa PhilSports Arena sa Pasig.

“For me, yes (ukol sa paglalaro ng Gilas sa final conference ng PBA season). Anything that can give us more time to prepare and practice would be good for us,” ayon sa quote ni Reyes sa isang website story.

Dumating lahat ang 16-man Gilas team maliban kay Jeff Chan.

Ang malaking tanong ngayon ay kung papayag ba ang PBA na baguhin na naman ang kanilang binago nang schedule?

vuukle comment

ALAM

ASIAN GAMES

GILAS

GILAS PILIPINAS

JEFF CHAN

MON SEGISMUNDO

PAMBANSANG

PBA

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with