^

True Confessions

Kaibigan (2)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Pasok kayo!’’ anyaya ni Dex kay King at sa kasama nitong babae. Maganda ang babae. Bitbit ni King ang itim na travelling bag.

Pumasok sila sa bahay. Nauna si Dex.

“Maupo kayo!’’

Naupo sa sopa ang da­lawa.

‘‘Siyanga pala Dex, si Lara, misis ko,’’ sabi ni King at saka binalingan si Lara, ‘‘Lara, si Dex ang matalik kong kaibigan.’’

Kinamayan ni Dex si Lara.

‘‘Nag-asawa ka na pala e hindi mo man lang ako binalitaan,’’ sabi ni Dex kay King.

“Biglaan.’’

‘‘Kailan pa kayo nagpa­kasal?’’

“Mga one month na.’’

“Sa simbahan?’’

“Hindi—sa huwes.’’

‘‘E kumusta naman ang buhay may-asawa?’’

“Ayos lang,’’ sabi ni King at bahagyang tumawa.

“Teka at aayusin ko ang mesa. Tiyak na gutom na gutom na kayo.’’

“Oo nga, Dex. Kumukulo na ang sikmura ko.’’

“Maghahain ako.’’

“Wala ka bang kasama rito, Dex?’’

“Wala.’’

“Wala ka pang binabahay?’’

“Wala. Single pa rin.’’

Naghain si Dex. Nang makapaghain, tinawag na ang dalawa.

“Wow ang sarap ng ulam. Paborito ko—nilagang baka na may sawsawang patis at sili!’’

“Sige kain na. Habang mainit ang sabaw. Pasensiya na kayo diyan.’’

“Anong pasensiya e masarap ito,’’ sabi ni King at naglagay ng kanin sa plato. Nilagyan din ang plato ni Lara.

Kumuha ng nilaga si King at nilagay sa kanin niya. Nilag­yan din si Lara sa plato nito.

Kumain sila habang nag­kukuwentuhan.

Matapos kumain, nagbalik sila sa salas at nag pa­tuloy sa pagkukuwentuhan.

Hanggang may sabihin si King:

“Puwede bang dito muna kami ni Lara, Dex?’’

Walang gatol na sumagot si Dex:

‘‘Oo. Hangga’t gusto n’yo dito kayo.” (Itutuloy)

vuukle comment

KAIBIGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with