^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (174)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG may edad na lalaki ang tinanong ni Drew ukol sa pagkakasunog ng restaurant.

“Anong nangyari sa restaurant, Manong?’’

“Nasunog kagabi! Sad­yang sinunog!’’

“Sino po ang nanunog?’’

“Isang lalaki na ang hangad daw ay makaganti sa may-ari ng restaurant.’’

‘‘Bakit po gaganti?’’

‘‘Ang anak na babae raw ng lalaki ay pinagsamantalahan ng may-ari ng restaurant na ‘yan. Matapos pagsamantalahan, pi­nuwersang pagsayawin nang hubo’t hubad sa club. Dahil hindi nakayanan ng babae ang mga dinanas, nagpakamatay. Pero bago nalagutan ng hininga, na­ipagtapat sa ama ang mga nangyari. Mula raw nun ay nagbanta ang ama na igaganti ang anak na pinagsamantalahan. At nangyari nga ang panununog kagabi. Binuhusan ng gasolina ang paligid ng restaurant at saka sinindihan. Pero napatay din ng mga guwardiya ang lalaking nanunog. Habang nag-aagaw buhay ang lalaki ay sinasabi na nakaganti na raw siya. Naiganti na raw niya ang anak.’’

Hindi makapagsalita sina Drew at Marianne. Nagbalik sa alaala nila ang mga nangyari noon sa restaurant.

‘‘Maraming salamat po Manong.’’

“Walang anuman. Siguro may itatayong bagong building diyan. Sana ay maging maayos na. Puro kamalasan ang hatid ng restaurant na dating nakatayo diyan. Na­ging pugad ng prostitution.’’

Napatango na lang sina Drew at Anton bilang pagsang-ayon sa lalaki.

At umalis na sila.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with