^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (147)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nang umalis si Luke at mga tauhan nito para isilbi ang warrant of arrest kay Mr. C sa tinitirahan nitong hotel sa Binondo, lumapit si Marianne kay Drew.

“Sana mahuli na nila si Mr. C, napapagod na ako sa katatakbo, Drew,’’ sabi nito na parang maiiyak.

“Nangako si Luke, Marianne. Ngayong gabi raw ay tatapusin na nila ang pagtatago ni Mr. C. Hindi sila titigil sapagkat mayroon na silang sapat na ebidensiya. Isisilbi na nila ang warrant.’’

‘‘Hindi ba delikado ang pagsisilbi ng warrant, Drew?’’

‘‘Sabi ni Luke nakahanda sila sa anumang mangyayari lalo pa’t lahat nang tauhan ni Mr. C ay narito sa Metro Manila.’’

‘‘Kung makatakas si Mr. C sa pag-aresto ni Luke, patuloy pa tayong guguluhin ng taong yun. Hindi tayo titigilan.’’

“Tama ka, Marianne. Lalo pa’t may nalaman ka sa shabu lab niya—tiyak ipapapatay ka niya.’’

“Huwag mo akong iiwanan, Drew. Ikaw na lang ang pag-asa ko.’’

“Oo naman. Noon pa, talagang naipangako ko na sa sarili na hindi kita iiwan kahit ano ang mangyari.’’

‘‘Salamat Drew.’’

“Sige matulog ka na. Alam kong maraming gabi ka ng puyat.’’

“Good night Drew.’’

“Good night, Marianne.’’

Tumalikod na si Marianne.

Nanood ng TV si Drew. Pasado alas onse ng gabi.

Hanggang sa mapanood niya ang breaking news. Isang bigtime drug lord ang napatay sa Binondo. Sinisilbihan ng warrant ang Chinese nang manlaban ito. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang drug lord.

Si Mr. C ang napatay!

(Itutuloy)

vuukle comment

EBA

PARAISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with