^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (140)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Kaya mo pa Lola?’’ tanong ni Marianne kay Lola Ela.

‘‘Hindi ko na kaya Apo ko. Masakit na ang tuhod ko. Iwan mo na lang ako at tumakbo  ka na bago tayo abutan. Bahala na sa akin ang Diyos!’’

“Hindi kita puwedeng iwan Lola. Sa galit ng mga humahabol sa atin, baka barilin ka ng mga iyon.’’

‘‘Bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin sa akin. Matanda na ako at handa na akong mamatay. Ikaw bata ka pa. Marami ka pang magagawa sa buhay kaya tumakbo ka na. Sige na.’’

“Hindi kita magagawang iwan Lola!’’

“Pakinggan mo ako Ma­rianne. Umalis ka na bago tayo parehong mapahamak sa mga kriminal. Takbo na!’’

Nag-isip si Marianne at nagpasyang aalis na dahil sa utos ng matanda.

Pero bago nagawa iyon ni Marianne, isang sasak­yan ang biglang tumigil sa harapan nila.

‘‘Marianne, narito na kami. Sakay na kayo, dali!’’

Si Drew ang sumigaw. Sabay baba ito at binuksan ang pintuan sa passenger seat.

Nabigla man, nakabawi agad si Marianne at mabilis na naalalayan si Lola patu­ngo sa sasakyan. Naisakay ang matanda at saka si Ma­rianne naman ang sumakay.

“Tayo na Tikoy! Bilis!’’

Pinasibad ni Tikoy ang sasakyan.

Hindi pa sila nakakalayo may narinig silang wangwang ng mga police car at kasunod ay ang mga putok ng baril. Sunud-sunod! Walang patlang.

“Sino kaya ang kaba­rilan ng mga pulis?’’ tanong ni Drew.

Si Marianne ang su­magot.

‘‘Baka ang mga huma­habol sa amin, Drew. Da­lawang lalaki ang huma­habol sa amin kanina. Ma­buti na lang at duma­ting kayo! Kung hindi kayo du­mating baka inabutan kami ng mga hayop!’’

“Kinutuban kasi ako Marianne na nasa pa­nganib kayo ni Lola kaya sa halip na sa bahay kami magtungo dito sa kabilang kalye kami dumaan na exit ng sekretong lagusan. Tama ang kutob na naroon kayo!’’

Maya-maya nag­ring ang phone ni Drew. Si Luke ang tumatawag. (Itutuloy)

vuukle comment

LOLA ELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with