Huling Eba Sa Paraiso (24)
Kahit naka-face mask ang babae, kilalang-kilala ito ni Drew. Hindi siya maaaring magkamali na ito ang babaing pinanonood niya habang naliligo sa ilog at nasundan niya pauwi sa bahay nito. Tandang-tanda rin niya ang suot nitong pantalong maong at shirt. Hindi rin niya malilimutan ang bitbit nitong basket na pinaglagyan ng mga talbos ng pako.
Nagmamadali sa paglalakad ang babae. Parang may kausap na kailangang makarating sa takdang oras. Tinungo ng babae ang restaurant na hindi kalayuan sa palengke.
Nagmamadaling pumasok sa loob ang babae. Labas-masok ang mga tao sa restaurant na sa itsura ay pag-aaari ng Intsik.
Kakain kaya ang babae kaya pumasok sa restaurant?
Naghintay si Drew. Ito na ang tamang pagkakataon para makilala ang babae.
Habang naghihintay sa paglabas ng babae, sinulyapan niya ang lugar na kinaroroonan ng mga babaing sidewalk vendors. Naroon ang mga sidewalk vendors maliban sa pinaghihinalaan niyang babae. Kaya matibay ang hinala niya na ang babaing naliligo sa sapa at ang vendor ng gulay ay iisa. Sure na sure siya!
Muli niyang ibinalin ang tingin sa restaurant. Hindi pa lumalabas ang babae. Sabagay kung kumakain ang babae, may katagalan bago ito matapos.
Maari naman siyang maghintay.
Hindi na niya sasayangin ang pagkakataong ito. Kailangang makilala na niya ang babae.
Hanggang lumipas ang 30 minuto.
Hindi pa lumalabas ang babae.
Lumipas ang 45 minuto. Hindi pa rin.
Hanggang mag-isang oras.
Nagtaka na si Drew sa tagal ng babae sa loob. Sobra namang tagal kung kumain.
Ipinasya na ni Drew na pumasok sa restaurant para malaman kung ano ang ginagawa ng babae.
(Itutuloy)
K
AHIT naka-face mask ang babae, kilalang-kilala ito ni Drew. Hindi siya maaaring magkamali na ito ang babaing pinanonood niya habang naliligo sa ilog at nasundan niya pauwi sa bahay nito. Tandang-tanda rin niya ang suot nitong pantalong maong at shirt. Hindi rin niya malilimutan ang bitbit nitong basket na pinaglagyan ng mga talbos ng pako.

- Latest