^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (22)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

WALA pa si Tikoy nang dumating si Drew sa farm house. Kung na­una ito sa kanya, tiyak itatanong na naman nito sa kanya kung bakit atra­sado siyang dumating. Nag-aalala kasi si Tikoy na baka may nangyari sa kanya kaya hindi umuuwi sa tamang oras. Natutuwa naman siya sa pagiging mapagmala­sakit ng pinsan. Nasa Pambisan ngayon si Tikoy at sinusundo ang mga trabahador na gagawa sa kanal para mapatubigan ang palayan. Mamayang alas singko ng hapon  darating si Tikoy dahil malayo ang Pambisan.

Naghanda siya ng pagkain para sa tang­halian. Pasado ala una na pero hindi pa siya nakakadama ng gutom. Siguro’y dahil masyado siyang naaliw sa panonood sa babae. Isa pa, natutuwa siya at natunton ang bahay ng babae. Malaking tagumpay na nakita niya ang bahay. Sa malao’t madali, puwede niyang puntahan ang babae para makilala.

Corned beef na hinaluan ng ginayat-gayat na kamote ang iniluto niya. Natuklasan nila ni Tikoy na mas masarap ang kamote na kahalo ng corned beef. Mula noon, kamote na ang isinasahog niya sa corned beef. Habang niluluto ang corned beef, nagsaing siya. Bagong ani ang bigas. Iyon ang unang ani sa tubigan na pinundar nila ni Tikoy. Dalawang malalaking pitak ang palayan na naanihan nila ng 100 kaban. Ang palayan ang balak nilang patubigan. Manggagaling ang tubig mula sa sapa. Ang mga trabahador na sinusundo ni Tikoy ang uupahan nilang maghukay ng kanal.

Pagkatapos kumain, nahiga si Drew sa papag. Hanggang maalala niya ang mga kinuhang video ka­nina sa sapa habang naliligo ang babae.

Aliw na aliw siya sa panonood. Ano kaya ang pa­ngalan ng babae. Sana makilala na niya ang babae.

O mas maganda siguro ay dalawin na niya ang babae sa bahay nito. Pormal siyang makikipagkilala. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with