^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (18)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKITA ni Drew na lumi­nga-linga sa paligid ang babae. Tinitiyak kung walang nakakakita sa kanya. Isiniksik namang mabuti ni Drew ang sarili sa makapal na damo para hindi makita ng babae.

Ilang segundo ring pinagala ng babae ang mga mata sa paligid bago kumilos. Lumusong ito sa sapa.

Maliligo na ang babae!

Nagkandahaba ang leeg ni Drew habang lumulusong ang babae sa sapa. Halos hindi siya kumukurap. Biglang naalala ni Drew ang kan­yang cell phone. Marahan niyang dinukot sa kanyang bulsa. Kukunan niya ng video ang babae habang naliligo.

Nasa tubig na ang babae. Nang nasa gitna na ng sapa at hanggang baywang ang lalim, sumalok ng tubig ang babae sa pamamagitan ng mga palad at saka inihilamos. Ilang beses sumalok ng tubig ang babae.

Sinimulan naman ni Drew ang pag-video sa babae. Kailangang mairekord niya ang lahat ng ginagawa ng babae. Hindi dapat masayang ang mga sandali.

Maya-maya, ang katawan naman ng babae ang unti-unting binasa. Siguro’y masyadong malamig ang tubig kaya hindi makaderetsong lumubog sa tubig ang babae. Kailangang dahan-dahanin ang pagbasa sa katawan.

Lahat naman ng iyon ay nakunan ni Drew. Parang diyosa ang babae habang nasa gitna ng sapa. Napakaganda ng babae. Mas maganda pa sa mga babaing nakilala niya sa Maynila. Sino ang mag-aakalang sa liblib na lugar na ito ay mayroong ganitong kagandang babae? Kakaiba ang ganda ng babae – gandang hindi nakakasawang pag­masdan.

Maya-maya pa, nakita ni Drew na dahan-dahang ini­lubog ng babae ang katawan sa tubig. Lumubog ito at ulo lamang ang natira.

Patuloy ang pag-video ni Drew. Napakagandan ng tagpo na nakalubog ang katawan ng babae sa kristal na tubig ng sapa. Sa linaw ng tubig ay naaaninag ni Drew ang katawan ng babae habang nakalubog.

Hanggang sa biglang lu­mubog ang babae. Sumisid.

Mga ilang segundo rin na nasa ilalim ng tubig ang babae. Hanggang sa lumutang. Sisinghap-singhap ang babae.

Patuloy sa pagkuha si Drew. Ingat na ingat siya sa pagkuha. Hindi dapat masayang ang mga kuha niya sa babae.

Hanggang makita ni Drew na kinukuskos ng babae ng kanyang palad ang nakatagong bahagi ng katawan. Hinihilod ng palad ang bahaging dibdib. Hanggang bumaba sa sikmura, sa bahaging puwit at sa harapan.

Patuloy si Drew sa pag-video. Hindi siya humihi­nga habang nagsu-shoot. Unang pagkakataon na kumuha ng ganito. 

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with