^

True Confessions

Monay (195)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NATIGILAN si Monay sa narinig kay Joem. Tiningnan nang tuwid si Joem na parang inaalam ang katotohanan ng sinabi nito. Wala namang katinag-tinag si Joem.

‘‘Mahal din kita noon pa. Nahihiya lang talaga ako noon kasi nga baka kung ano ang isipin mo. At saka hindi ko rin naman alam kung ano ang nararamdaman mo sa akin. Siyempre mga bata pa tayo nun kaya hindi ko rin alam. Mahina pa ang pakiramdam ko. Naramdaman ko lang na talagang gusto kita noong graduation natin pero hindi mo na nga ako pinansin dahil sa mama mo. Kaya nalungkot talaga ako nun. Ilang beses akong nagpabalik-balik sa school natin after graduation pero hindi ka na nagpunta. Hinigpitan ka na ng mama mo dahil akala ay may relasyon na tayo.

“Pero kung nagkita pa tayo after graduation, baka nasabi ko sa iyo ang damdamin ko. Baka naging magsiyota na tayo nun pa.’’

Binawi ni Monay ang pagkakatingin kay Joem.

“Bakit hindi mo ako hinanap e nag-aral pa rin naman ako rito ng kolehiyo bago kami nag-migrate sa US.’’

“Hindi ko alam kung saan ka hahanapin. Nalaman ko nga lang kay Trishia na nasa US na kayo. Nagkita kami ni Trishia sa isang food chain sa Recto Avenue. Naikuwento niya.’’

“Mabuti pa si Trishia at naging closed kayo.’’

“Hindi ko siya gusto. Ipinipilit niya ang sarili sa akin pero hindi ko maatim. Ayaw kong magsamantala.’’

Natahimik si Monay.

Nang muli itong magsalita ay may taginting na ang boses.

“Talagang mahal mo rin ako?’’

‘‘Oo. Nahiya nga lang ako nun sa’yo kaya wala akong nasabi gaputok man.’’

Nagtawa si Monay.

“E bakit hindi ka nahiya nung binibigyan kita ng monay?’’

“Aba iba yun! Kaila­ngan kong tapangan ang hiya dahil mamamatay ako sa gutom.’’

Nagtawa uli si Monay.

Maya-maya, kinuha ni Joem ang kanang kamay niya at pinisil.

‘‘Mahal kita Monay. Hindi na ako nahihiya na sabihin ito sa’yo. Hindi ko na rin hahayaan na makaalis ka na hindi ko nalalaman ang kasagutan mo.’’

“Kailangan pa bang sagutin ng ‘oo’ e ako na nga ang gumawa ng hakbang. Pero sige, sasagutin kita. Oo mahal kita. Mahal na mahal!’’

Pinisil pa ni Joem ang palad ni Monay.

Nang lumabas sila ng restoran, magka­hawak-kamay na sila. Punumpuno ng kaligayahan ang kanilang puso. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with