^

True Confessions

Monay (193)

Pilipino Star Ngayon

Ilang segundo na hindi nakapagsalita si Monay. Nang magsalita ay marahang-marahan.

“Ano ang isinagot mo sa kanya?’’

“Sabi ko huwag siyang magsalita ng ganun na para bang iiwan na niya ako. Alam niya na ayaw kong pag-usapan ang kamata­yan. Nagtatampo ako sa kanya kapag ang topic niya ay ang pag­yao niya. Ayaw kong makarinig sa kanya ng ganun. Mahina ako kapag ang kamatayan na ang pinag-uusapan. Iniiba ko ang usapan kapag ganun ang usapan namin. Kaya ang sinabi niya na ikaw daw ang piliin ko kapag nag-asawa akong muli ay hindi ko nasagot sa kanya ng oo. Sa isip ko kasi nun, hindi ako mag-aasawa dahil nag-iisa siya sa puso ko.’’

Tiningnan ni Monay si Joem.

At saka nagbaba ng paningin.

Maya-maya nagsalita si Monay.

“Mabuti talagang kaibigan si Cath. Kahit hindi pa kami nagkikita nang personal, malaki na ang tiwala niya sa akin. Bihira ang katulad niya na magsasabing ako ang piliin mong maging asawa. Napakabuti niya at napakalaki ng tiwala. Sayang at hindi kami nagkita noong buhay pa siya.’’

“Masyado kasi siyang humanga sa’yo Monay – dahil sa ginawa mong kabutihan sa akin nung nasa high school tayo. Sabi nga niya, bi­hira ang makakagawa ng ginawa mong pagbibigay sa akin ng monay araw-araw. ‘Yun ang labis niyang ikinahanga sa iyo.’’

“Pero naisip ko Joem, imposible ang sinabi ni Cath na kung mag-aasawa ka ay ako ang piliin mo. Hindi mang­yayari ‘yun.’’

“Anong ibig mong sabihin?’’

“Paano mangyayari ‘yun ay hindi mo naman ako gusto. Wala kang balak na ligawan ako. Wala akong nakikitang pagpupursigi sa’yo. Ako na nga ang gu­ma­gawa ng paraan pero wala ka pa ring ginagawa. Kaya impo­sible ang gustong mang­yari ni Cath.’’

Hindi makapagsalita si Joem.

Kung ganun hinihintay lang pala siya ni Monay na gumawa ng hakbang.

“Totoo ba Monay?’’

“Ewan ko sa’yo?’’

“Sagutin mo ako Monay.’’

“Ano ba sa palagay mo?’’

“Gusto mo rin ba ako?’’

“Ano nga sa tingin mo?’’

“Mahal mo ako?’’

Tumango si Monay.

At saka marahang nagsalita.

“Ang tagal kong hi­nintay Joem. Noon pa, nangarap na ako. Tayong dalawa. Pero wala kang ginagawa.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with