^

True Confessions

Monay (190)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Anong ibig mong sabihin, Joem?’’ nagtatakang tanong ni Monay habang nakatingin sa itim na lapida ni Cath.

“Si Cath at si Pandekoko ay iisa.’’

‘‘Nagbibiro ka ba, Joem?’’

‘‘Hindi. Totoo na si Cath at Pandekoko ay iisa. Si Cath ang may gusto nang lahat. Siya ang nagplano para kayo maging magkaibigan.’’

Ikinuwento ni Joem ang iba pang mga nangyari. Wala siyang inilihim kay Monay.

“Ang gusto ni Cath, ilihim ito sa’yo. Gusto niya manatiling lihim ang pagkatao niya pero para sa akin, dapat mong malaman. Kaya nagpasya na akong ipagtapat.’’

Hindi makapagsalita si Monay sa pagkabigla. Parang hindi pa niya lubos maunawaan ang lahat na ang naging kaibigan niya sa online ay asawa ni Joem.

Nang magsalita si Monay ay marahan at punumpuno ng kasiyahan habang nakatingin sa lapida ni Cath.

“Maraming salamat, Cath. Hindi kita malilimutan. Masayang-masaya ako na nag-meet din tayo kahit nasa kabilang buhay ka. Kung nakikita mo ako ngayon, gusto kong malaman mo na masa­yang-masaya ako. Natutuwa ako na ikaw ang nakaisang dibdib ni Joem. Napakasuwerte ni Joem dahil wala kang kasingbait at napakabuting babae. Masuwerte rin ako at naging kaibigan ka kahit sa maikling panahon. Hindi kita malilimutan, Cath.’’

Tumigil sa pagsasalita si Monay at tahimik na nakatingin sa lapida.

Si Joem ay nakatungo at malalim na nag-iisip.

Makalipas ang ilang sandali nagsalita si Monay.

‘‘Kaya pala ang gaan ng loob ko kay Cath, Joem, siya pala ang babaing pinakamamahal mo. Kaya pala ganun na lamang ang nararamdaman kong kasiyahan noong nabubuhay pa siya at nagpapalitan kami ng mensahe. Ibang klase siyang kaibigan, Joem. Napakasuwerte mo sa kanya. Sayang talaga at hindi kami nagkita.’’

“Ganyan din ang sinabi niya sa akin, Monay. Gustung-gusto ka niyang kaibigan. Sabi pa niya, ikaw ang pinaka-espesyal niyang kaibigan.’’

“Siya rin ang espesyal kong kaibigan. Isa siya sa mga dahilan kaya ako umuwi.’’

‘‘Mayroon pa siyang sinabi sa akin, Monay tungkol sa’yo. Parang huling habilin niya at hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin sa iyo o ilihim ko na lang.’’

“Baka gusto mong sabihin, Joem. Handa akong makinig. Bago ako umalis patungong US, gusto kong malaman ang habilin ng ­aking espesyal na kaibigan.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with