^

True Confessions

Monay (155)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Maraming ikinuwento si Monay kay Cath – mga nangyari noong nasa high school pa sila. Ang mga iyon ang matiyagang sinulat ni Cath habang ito ay nakikipaglaban sa colon cancer.

Malalim ang pagkakaibigan ng dalawa. Lahat ay ikinuwento ni Monay sa hindi nakikila­lang si Cath na asawa ni Joem. Sabi naman ni Cath, kung magpapakilala siya kay Monay na misis ni Joem, hindi na ito magkukuwento ukol sa mga nangyari noon. Kaya pinanindigan nang huwag magpakilala ni Cath.

Muling binasa ni Joem ang sulat ni Cath.

“Nalaman ng mama ni Monay na kaya pala araw-araw ay nagdadala ito ng isang pirasong monay ay dahil ibinibigay sa kaklaseng lalaki. Sabi ni Monay, kinumpronta siya ng kanyang mama at pinagsalitaan nang masakit dahil sa ginagawang pagbibigay ng monay sa kaklaseng lalaki. Minura raw siya ng kanyang mama dahil doon. Kapag daw nagbigay uli ito ng monay sa kaklaseng lalaki ay baka kung ano na ang magawa. Sabi pa raw ng kanyang mama, hindi sila naghahanapbuhay para may maibigay lamang sa ibang tao.

“Pero sabi ni Monay, kahit pinagalitan at mi­nura siya ng mama niya, patuloy pa rin daw siyang nagbigay ng monay sa kaklase. Ang katwiran ni Monay, masama ba ang tumulong sa taong nagugutom?

‘‘Sa sinabi ni Monay ay lalo akong humanga sa kanya. Lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan…

(Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with