^

True Confessions

Monay (152)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Binuksan ni Joem ang sulat. Maba­ngo ang loob ng en­velope. Kahalintulad­ ng pabango ni Cath. Lalong nag-umigting si Joem na mabasa ang sulat ng pinakamamahal na asawa. Bakit ba ngayon lang niya nakita ang sulat na ito? Sinisi niya ang sarili kung bakit ang pag-inom ng alak at pagmumukmok ang inuna kaysa sa pagbasa sa sulat ni Cath. Inaamin niyang nalimutan ang sinabi ni Cath tungkol sa sulat na ito.

Maraming pahina ang sulat ni Cath at pawang sulat-kamay.

Binasa ni Joem ang unang pahina:

“Alam kong magtataka ka kung bakit isinulat ko ito. Puwede ko namang sabihin sa iyo. Pero para sa akin mas maganda ang nakasulat para mayroon kang naitatagong alaala. Ka­hit paulit-ulitin mong ba­sahin ito ay hindi ka mag­sasawa.

‘‘Hindi ito kuwento ko. Tungkol ito kay Monay at sa iyo. ‘Di ba noon ay sinabi ko sa’yo na friend ko si Monay sa Facebook. Naging mabuti kaming magka­ibigan. Pero kahit friend ko siya, hindi ko sinabi na mag-asawa tayo. Inilihim ko ang aking pagkatao. Gusto ko kasi, malaya siyang makapagkuwento.

“At marami siyang naikuwento sa akin. Ka­bilang doon ang mga alaala niya noong high school siya kung saan isang kaklaseng lalaki niya ang kanyang binibigyan ng monay araw-araw.

“Alam mo habang ikinukuwento ni Mo­nay ang part na iyon, excited ako. Kasi’y alam ko na ang story – na ikaw ang kakla­seng lalaki na binibigyan niya ng monay. Ma­syado kong nagustuhan ang kuwento dahil sa kanyang bibig mismo nanggaling ang lahat. Totoong-totoo…”

(Itutuloy)

vuukle comment

JOEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with