^

True Confessions

Monay (124)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nagpanting ang tay­nga ni Joem sa sinabi ni Trisha na kaya siya nag­pakasal kay Cath ay dahil sa yaman nito.

“Excuse me Trishia, hindi ako ang tipo ng lalaki na kaya nagpakasal sa babae ay dahil sa yaman. Nagkakamali ka.’’

“Talaga Joem Boy?’’

“Nagsikap ako kaya na­karating sa puwesto ko ngayon. Lahat ay pinag­pawisan ko. Hindi ako nag­hahangad na makakuha ng puwesto dahil mayroong kinapitan o sinandalan.’’

“Tama ba ang narinig ko na masyadong malayo ang edad ninyo ng pinakasalan mo?’’

“Totoo. Hindi naman mahalaga sa akin ang edad kundi ang tapat at wagas na pagmamahal na iniu­ukol ko sa aking asawa. Isa pa, walang makakapantay sa kabuti­han ng asawa ko. ‘Yun ang mahalaga sa akin. Meron nga diyan na bata pero hindi maganda ang ugali. Sa madaling sabi ma­kamandag at may lason ang ugali’’

Parang sinampal si Tri­shia. Alam niyang siya ang pinatatamaan ni Joem.

“Ako ba ang tinutukoy mo Joem?’’

“Kung sa akala mo ay ikaw ‘yun, wala na akong masasabi pa.’’

“Napakasama mo Joem!’’

“Anong ginawa ko?’’

“Ang sama mo! Wala kang kasingsama!’’

“Busy ako, Trishia. Hindi ako maaaring makipagtalo sa’yo sa oras na ito. Please huwag ka nang tatawag.’’

“Tatawagan kita hanggang gusto ko!’’

Napasigaw na si Joem.

“Please marami akong ginagawa. Huwag mo akong istorbohin!’’ sabay patay ng phone.

Hindi alam ni Joem na nasa likuran niya si Mam Cath at narinig nito ang pagtataas niya ng boses.

Hindi makakilos si Mam Cath sa kinatatayuan. Nga­yon lamang niya narinig na sumigaw ang asawa.

Nag-aalangan tuloy siyang pumasok.

Pero minabuti na niyang tumuloy.

“Joem!’’

Nagulat si Joem at big­lang humarap.

“Cath!’’

Nakangiti si Cath. Umupo ito.

Lumapit si Joem sa pinto at isinara.

“Narinig mo ang pagsigaw ko Cath?’’

“Oo. Sino ba ‘yun?’’

“Isang uod!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

JOEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with