Monay (115)
Isinubsob ni Mam Cath ang mukha sa dibdib ni Joem. Nagkadikit ang kanilang mga dibdib. Naramdaman ni Joem ang tibok ng puso ni Cath.
‘‘Naririnig ko ang tibok ng puso mo, Cath. Malakas ang pintig.’’
‘‘Naririnig mo?’’
‘‘Oo, ang lakas! Sa akin hindi mo naririnig ang tibok?’’
‘‘May kaunti. Marahan lang.’’
‘‘Ang ibig sabihin n’yan kaya malakas ang tibok ng iyong puso ay…’’ ibinitin ni Joem ang sasabihin.
Naghihintay si Cath.
‘‘Ano?’’
‘‘Malakas kang magkape, ha-ha-ha!’’
Umangat si Mam Cath sa pagkakasubsob sa dibdib ni Joem. Nagkunwaring inis.
‘‘Lagi mo na lang akong binibiro, Joem. Akala ko pa naman seryoso ka.’’
‘‘Pinatatawa lang kita. Masyado ka kasing seryoso.’’
‘‘Seryoso ba ako? Hindi naman ah.’’
‘‘Basta gusto kitang patawanin.’’
‘‘Tumatawa naman talaga ako. Mas lalo pa akong naging masaya mula nung makasama kita lagi sa pagdi-dinner.’’
‘‘A ako rin. Mula nang una tayong magkasama, naging masaya na ako. Walang biro, Cath.’’
‘‘Totoo?’’
‘‘Oo.’’
‘‘Gusto mong patunayan ko?’’
‘‘Sige.’’
Bigla nitong hinalikan sa labi si Mam. Sapol na sapol ang mga birheng labi. Unang halik. Ganun pala kapag magkalapat ang mga labi nang nagmamahalan. Nagpaubaya si Mam. Natatangay siya sa mainit na pagkakahalik ni Joem. Hanggang sa may nanulay na namang kuryente sa kanilang katawan. Kakaiba ang daloy.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, hinabol nila ang paghinga. Muling yumakap si Mam kay Joem.
Maya-maya may dinukot sa bulsa ng kanyang pantalon si Joem. Cell phone.
Nag-selfie sila.
Yumakap pa nang todo si Mam Cath kay Joem.
(Itutuloy)
- Latest