^

PSN Showbiz

Dahil kay Ella, history subject inaapelang ibalik

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa rin tinatantanan si Ella Cruz sa isyu ng komento niya tungkol sa ‘history is like chismis.’

Nakilala tuloy siya na ewan ko kung makakatulong ba ito sa promo ng pelikula nilang Maid in Malacañang.

Starlet ang pagkakakilala sa kanya ng iba, pero ngayon ay na-curious sila kung sino ba itong si Ella Cruz.

Nakarating na sa ating mambabatas itong nag-trending na komento ni Ella.

Nalungkot nga raw ang Gabriela Women’s Representative na si Arlene Brosas dahil kapangalan pa naman daw ni Ella ang bayaning si Gabriela Silang.

Gabriela Annjane Cruz ang tunay na pangalan ni Ella.

Pero ang isa pang mambabatas, ang ACT Teachers Representative France Castro ay nanawagan na ibalik ang hiwalay na subject ng Philippine History sa high school. Ito ang nilalaman ng House Bill No. 207 ng Kamara na ipinasa niya.

Si Rep. France Castro ng ACT Teachers Partylist ang nagtutulak nito dahil sa isinisi­ngit na lamang sa isang subject ang Philippine History.

Hindi kagaya nung kapanahunan naming hiwalay na subject ng Philippine History.

Kaya salat sa kaalaman ngayon ang mga kabataan natin sa kasaysayan ng ating bansa.

Bago pa man itong “history is like tsismis” na isyu ni Ella Cruz, nag-trending din noon ang sagot ng isang PBB housemate na tinawag niyang MaJoHa ang Filipino Catholic priests nating GomBurZa.

Kaya dapat na nga sigurong ayusin na ang curriculum ng ating High School students at tiyaking maturuan na sila ng Philippine History.

Inaasahang hango sa tunay na kuwento itong Maid in Malacañang ni direk Darryl Yap, at hindi lang tsismis na kuwento.

Ian at Heaven, daring sa pelikula

Ang daming nakaipon sa utak ni direk Lino Cayetano na gustung-gusto niyang gawin ngayong naka-focus na siya sa showbiz.

Pagkatapos niyang manilbihan bilang alkalde ng Taguig, sinabi niyang sa ngayon ay hindi na niya babalikan ang pulitika.

Natupad na rin naman niya ang mga ipinangako niya sa Taguig, at nangako naman ang sister-in-law niyang si Mayor Lani Cayetano na itutuloy ang mga nasimulan niya sa naturang lungsod.

Excited ngayon si direk Lino sa pelikulang Nanahamik Ang Gabi na obra ng writer at director na si Shugo Praico.

Kasama ni direk Lino sina direk Shugo at direk Philip King sa itinayo nilang film production na Rein Entertainment.

Nagkasundo silang bagay na bida sa pelikulang ito sina Ian Veneracion at Heaven Peralejo.

Nag-script reading na sila at nag-workshop na rin nung Lunes lang at swak na swak daw sa dalawa ang karakter na ipu-portray nila sa pelikulang ito. “Suspense-thriller-romance! Kasi, may something about Ian and Heaven doon sa kuwento na hindi pa namin maikukuwento.

“Tinanong nga sa akin kung may sex and violence daw? Sabi ko, ‘Naku! Talagang may sex violence!’,” bulalas ni direk Lino.

Aware sina Ian at Heaven na may pagka-daring ang pelikulang ito, at wala raw problema sa kanila sabi ni direk Shugo. “Basta, part naman po ng kuwento when we told them about the story.

“Nakita nila kung gaano ka-integral ang sex and violence sa kuwento. Siyempre, maingat pa rin na hindi naman nila gagawin ang isang intimate scene just because. It’s all part of the story,” pahayag ni direk Shugo.

Sabi pa ni direk Shugo, nakita raw nila sa vlogs ni Heaven at ang iba pa niyang nagawa, at nakikita raw nila sa aktres na bagay sa kanya ang role na gagampanan sa naturang pelikula. “And habang nakikilala namin siya, habang nakakausap regar­ding the character, mas lalo pong naa-aafirm ‘yung decision namin to get her.

“Kasi, aligned na aligned po sa character. Her sensibilities, ‘yung perspective niya sa mundo, sa paligid, ganun,” pahayag ni direk Shugo.

Sabi naman ni direk Lino Cayetano: “Nagbubulungan nga kami ni Direk Philip (King), parang… we were so impressed. We spent mga three days na with them, with Ian and Heaven.

“Sobra kaming na-impress sa kanila. ‘Yung thirst and hunger nila para makilala nang mas malalim ‘yung materyal saka ‘yung characters.”

Dugtong naman ni direk Philip King: “Direk  Shugo had characterization workshop with them yesterday. Tapos, ‘yung decision na sila ang piliin was like magical.

“Kasi, talagang they were just… para lang silang sumasayaw kahapon, ‘yung the way they were interacting, the way they were parang trying to figure out and study their characters.”

Itong team ni direk Lino ang gumawa ng socio-political series na Bagman ni Arjo Atayde.

Maganda ang seryeng ito na nabitin nga ako pagkatapos ng dalawang season sa Netflix at iWant TFC.

Ito rin ang nagbigay ng Best Actor award kay Arjo sa Asian Academy Creative Awards nung taong 2020.

vuukle comment

ELLA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with