^

PSN Showbiz

Cong TV kay baby Kidlat: ‘Ang sarap mong kakwentuhan’

Philstar.com
Cong TV kay baby Kidlat: �Ang sarap mong kakwentuhan�
Litrato nina Cong TV (Lincoln Velasquez sa totong buhay) at anak na si Baby Zeus Emmanuel "Kidlat" Cortez Velasquez
Mula sa Facebook pages nina Cong TV at Viy Cortez

MANILA, Philippines — In-love na in-love ang Youtube vlogger, komedyante at Internet personality na si Cong TV (Lincoln Cortez Velasquez sa totong buhay) sa kanyang bagong silang na anak na si Kidlat.

Sa Facebook post ni Cong, makikitang nakikipag-usap ito sa kanyang anak. 

Si Kidlat ay nasa kanyang maliit na hospital bed habang si Cong ay nakaupo sa tabi niya, itinuturo ang tanawin sa labas ng kanilang bintana.

"Ang sarap mong ka kwentuhan kahit puro iyak lang ang reply mo," ani Cong.

"I love you!" dagdag niya.

Sinalubong nina Cong at ng kanyang partner na si Viy Cortez ang pagsilang ni Baby Kidlat nitong Martes, July 5. Una nilang inanunsyo ang pagdadalang tao ni Viy noong Disyembre.

Noong Hunyo, ibinunyag nila na plano nilang gamitin ang "Zeus" bilang isa sa pangalan ng kanilang anak, bagama't tinawag nila siyang Kidlat bago pa man siya ipanganak.

Pumalo na sa mahigit isang milyon ang views ng post ni Cong na nagdulot ng kasiyahan sa kanyang mga fans na abang na abang na kay Kidlat. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

vuukle comment

BABY

YOUTUBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with