^

PSN Showbiz

Solenn, concentrate muna sa pagbubuntis

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Solenn, concentrate muna sa pagbubuntis
Thylane at Solenn
STAR/ File

Dahil inamin na nga ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na buntis ang una sa second baby nila, marami ang nagtatanong kung magiging active pa ba sa showbiz ang Kapuso TV host-actress?

Actually, kahit naman medyo malaki na ang panganay nilang si Thylane Katana, hindi pa rin sumasabak sa lock-in taping si Solenn.

Tanging ang Taste Buddies na ipinapalabas sa GTV ng GMA Network ang show ni Solenn.

Hindi rin maaapektuhan ng kanyang pagbubuntis ang show na ‘yon dahil last week pa ‘yon nag-goodbye sa ere.

So, bukod sa ilang endorsement na gagawin pa rin, matututukang mabuti ni Solenn ang kanyang pagbubuntis, pati na rin si Thylane Katana.

Jeric, walang balak magsalita tungkol sa mga ‘kontrobersya’

Ayon sa isang malapit sa Kapuso hunk na si Jeric Gonzales, wala raw itong plano na magsalita tungkol sa kaliwa’t kanang isyu na kinasasangkutan nito ngayon.

Pati ‘yung tungkol sa mga issue sa kanila ng ex-girlfriend na si Rabiya Matteo, hindi na raw gusto pang sagutin ni Jeric.

Mananahimik na lang daw ang Kapuso hunk at magko-concentrate sa kanyang mga proyekto sa GMA 7.

Well, marami naman ibang celebrity ang nasangkot sa iba’t ibang kontrobersya ang hindi na rin kumibo at dahil sa pananahimik ay hindi na lumaki pa ang mga issue sa kanila.

Pero paano kaya kapag nag-promote na si Jeric ng Start-Up PH show ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Alden Ri­chards kung saan ay kasama siya – makaiwas pa kaya siya kapag tinanong na sa mga issue na kinakasangkutan?

Hindi kaya bantayan mabuti ng kanyang handler si Jeric para huwag nang mausisa tungkol sa mga ‘yon?

Well, malamang!

Vice, ‘di mami-miss sa Showtime

Kahit nasa Amerika pa si Vice Ganda dahil sa kanyang Fully Vice-cinated! US concert tour, napapanood pa rin siya sa ilang segments ng It’s Showtime.

Nakapag-taping si Vice ng ilang segments ng ABS-CBN noontime show kaya nandoroon siya hanggang sa Friday.

Taped na the whole week ang It’s Showtime kaya hindi mami-miss ng madlang pipol ang dyowa ni Ion Perez.

Si Ruffa Gutierrez rin na abala sa shooting ng Maid in Malacañang ng Viva Films ay araw-araw na uling mapapanood sa Sexy Babe segment ng show.

‘Yun na!

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with