^

PSN Showbiz

Alexa, nakaimpake na papuntang Amerika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alexa, nakaimpake na papuntang Amerika
Alexa Ilacad.

Bilang pagdiriwang ng ika-tatlumpung anibersaryo ng Star Magic ay gaganapin ang Beyond the Stars: Star Magic US Tour. Nakatakdang magtanghal ang mga pinakamaning­ning na artista ng Star Magic sa New York City sa August 6, San Francisco, California sa August 12 at Los Angeles sa August 14. Isang malaking karangalan umano para kay Alexa Ilacad na mapasama sa listahan ng Star Magic artists na lilipad patungong Amerika ang kanilang tambalan ni KD Estrada. “It’s a huge honor na mapasama sa ganitong klaseng event. I’ve been with Star Magic all my life and the fact that they’re bringing me with them now, it means so much to me. When they told us the international fans wanted to see us and meet us, it really warms my heart. Because if they want to see us, I want to see them even more,” bungad ni Alexa.

Isa ang tambalan nina Alexa at KD Estrada sa talaga namang sinuportahan ng mga tagahanga simula nang lumabas ng Pinoy Big Brother house noong isang taon. Matatandaang tinangkilik ng mga manonood ang dalawa bilang PBB housemates. Umaasa si Alexa na makapagbibigay sila ng kasiyahan ni KD sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanila. “I think ang magiging most memorable part is being able to perform together for the first time in the US in front of our international fans. That’s what I’m most excited about because for me, ‘yung makapag-perform ako sa harap ng maraming tao. I’m ecstatic,” paglalahad ng aktres. 

Ngayon pa lamang daw ay nakahanda na ang mga gamit na dadalhin ni Alexa para sa naturang event. “Actually nakaimpake na ako, promise. I’m not kidding. I’m packed na. That’s not how I am as a person. Kasi you never stop naman hanggang papaalis ka, nagda­dagdag ka ng gamit. I’m ready to go,” natatawang pahayag ng dalaga.

Ara, handa na ulit magbuntis 

Mahigit isang taon na ang nakalilipas nang magpakasal sina Ara Mina at Dave Almarinez. Nagdiwang ang mag-asawa ng kanilang unang anibersaryo kamakailan. Binalikan nina Ara at Dave ang simbahan sa Baguio kung saan sila nagpakasal noong June 30. “Bumalik kami do’n sa chapel kung saan kami ikinasal. Do’n na rin kami nag-dinner. Nagkaroon lang ako ng surprise dinner para sa kanya pero wala namang bisita. Si Mandy (anak ng aktres at Patrick Meneses) lang, ako at brother kong si Cris (Mathay), Rikki and kids. Marami kasing hindi available sa family dahil weekday at may work sila,” kwento ni Ara.

Nakahanda na raw ngayon na magbuntis ang aktres kung ipagkakaloob ng Panginoon. “Ready na ako, 7 years old na rin si Mandy. Last year kasi and early this year masyadong marami kaming inasikaso. Meron din akong regular show na Ang Probinsyano at naging busy rin sa campaign. Kaya mutual ‘yung naging desisyon namin na huwag munang mag-baby. Sana ngayon dumating na siya,” pagbabahagi niya.

Kumandidato bilang Representative sa San Pedro, Laguna ang mister ni Ara pero hindi na manalo. Kinailangan daw na magpaalam ng aktres sa FPJ’s Ang Probinsyano upang suportahan si Dave noong panahon ng kampanya. “Two years mahigit din ako sa show. We still keep in touch pa rin naman sa cast. Um-e­xit kasi ako sa show kasi I needed to campaign to support my husband even if he didn’t ask me to. No’ng nag-exit ako di pa tapos lock in namin. Medyo nasa kalagitnaan pa ‘yon at mahihirapan sila ‘pag wala ako eh. Puro highlight na kasi ‘yung kinukunan sa amin. Pero hindi pa ako dapat mawawala sa show. Ang ganda pa sana ng journey ng character ko as Ellen kung hindi ako nag-exit,” pagdedetalye ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

ALEXA ILACAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with