^

PSN Showbiz

Raymond, wala pang planong iuwi ng Pilipinas ang jowa

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Raymond, wala pang planong iuwi ng Pilipinas ang jowa
Raymond Gutierrez at Robert William.

Kahapon ay nag-post uli si Raymond Gutierrez sa kanyang Instagram (@mond) ng picture nila ng lawyer boyfriend niyang si Robert William.

Sabi ng iba, “twinning” daw ang dalawa at akala nila, sinadya nina Mond at Robert na halos pareho sila ng suot na damit.

Nang magkatsikahan kami ni Mond, nilinaw niyang hindi sadya ‘yon. “Hahaha. We were going to a fashion event and nagkataon lang na we both decided to wear black,” sey ni Mond.

May mga kaibigan si Mond na gustong makilala si Robert, pero wala naman kaming naririnig na may plano siyang dalhin dito sa ‘Pinas ang boyfriend, pero malay rin natin. Anything naman kasi ay posible, huh!

In fairness, wala namang maririnig na kontra sa relasyon ni Mond kay Robert lalo na ang kanyang pamilya na napaka-supportive nga sa pagka-come out niya bilang part ng LGBTQ+ community.

Anyway, dalawa sa mga kaibigan ni Mond na nakilala na si Robert ay sina Nicole Anderson at Carla Humpries (na mas kilala na ngayon bilang Madelene).

Madalas sa Los Angeles, California si Nicole kaya nakakasama siya nina Mond at Robert at gayundin si Carla na based na sa lugar na ‘yon at nagta-try rin na ma-penetrate ang Hollywood.

Lovi at Janine, may lips-to-lips

Isang lesbian-friend ko na based sa LA ang nag-message sa akin at excited na mapanood ang Sleep with Me iWantTFC series nina Lovi Poe at Janine Gutierrez.

Nag-post kasi si Lovi sa Instagram ng tungkol doon.

Caption ni Lovi sa picture nila ni Janine na parang magli-lips to lips, “Hey LA, see you for #SLEEPWITHME’s world premiere at the 2022 Outfest LGBTQ+ Film Festival!
“Can’t wait for you to get to know Luna and Harry @janinegutierrez in this film — a piece of @givemesam’s heart.
“Tickets to the festival in my link in bio. Hope to see you there!”

Tinanong ko si Leo Dominguez kung pupunta ba sa LA ang dalawa niyang alaga para sa event na ‘yon, pero hindi pa naman daw sure dahil wala pa naman daw official invite.

Anyway, tiyak na pag-uusapan ang “tambalang’ ‘yon nina Lovi at Janine.

‘Yun na!

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with