^

PSN Showbiz

Alfred, pagsasabayin na ang showbiz at pulitika

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred, pagsasabayin na ang showbiz at pulitika
Alfred Vargas.

Sabi nga ni Alfred Vargas na puwede na siyang magbalik-showbiz dahil hindi na siya ganun ka-busy sa pulitika.

Iniwan na kasi ni Alfred sa kapatid na si PM Vargas ang Congress kaya ngayon na isa na lang siyang konsehal hindi na ganun ka-busy ang load ng trabaho.

May mga bakante na siyang araw para sa showbiz na matagal din niyang iniwan dahil nga sa political career niya.

Tulad kasi ni Richard Gomez ganun ka-passionate rin si Alfred Vargas sa anumang pasukan niya, be it showbiz or politics. Kaya naman nakikita mo talaga ang resulta ng trabaho.

Ngayon puwede na uli niyang ilabas ang artistic juices niya sa katawan.

Local Concerts, movies apektado ng krisis

Siguro naman kaya hindi rin masyadong mabenta ngayon ang mga local concert dahil na rin sa economic condition.

Iyon din ang problema sa sinehan. Bago ka bumili ng tiket sa concert o sine, pagkain muna sa bahay ang uunahin mo.

Sa mga nangyayari ngayon na lahat ng bagay mataas ang gastos, nandiyan na ‘yung tipid-tipid muna attitude ng marami. Kaya nga hindi kataka-taka na kung minsan hindi napupuno ang venue dahil na rin sa hindi naging mabili ang tiket.

Sa lahat ngayon ng celebrity nangyayari iyan kaya hindi na issue. ‘Pag natapos na ang pandemic at balik-normal na ang income ng marami, baka magbalik sigla na uli ang concert scenes at movies.

Iyan ang ipagdasal natin ngayon.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with