^

PSN Showbiz

Moira, may moving on song na sa asawang si Jason

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Moira, may moving on song na sa asawang si Jason
Moira dela Torre.

Naka-relate si Moira dela Torre sa kuwento ng isang contestant sa season 2 ng Idol Philippines.

Magaling ang nag-audition na nagngangalang si Delly Cuales na bumirit ng isang Aegis song.

Bumilib sa kanya ang judges na sina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Chito Miranda at si Moira.

Napaiyak ang contestant at naibahagi niya ang pinagdaanan niya sa kanyang lovelife.

Pinilit siya ni Regine na i-share ito sa kanila, at ikinuwento niyang iniwan siya ng kanyang live-in partner.

Mahigpit na yakap ang ibinigay ng judges at sinabihang tiyak na marami pa siyang makikitang mas higit pa sa lalaking minahal niya.

Dito ibinahagi ni Moira ang ginawa niyang kanta na kasusulat lang daw niya.

Aniya: “Alam mo may sinulat akong kanta recently. Ang lyrics niya, ‘Ang sakit ‘pag akala mo tadhana, tapos kailangan lang pakawalan muli. Pero sana huwag kang mag-alala dahil sa pagsara ng isang pinto, laging may mas maganda papunta.”

Ang daming nag-comment na naka-relate si Moira sa kuwento nung contestant, at tiyak marami pang mag-o-audition na may ganun ding kuwento.

Hindi pa nabanggit ni Moira kung nai-record na niya itong ginawa niyang kanta.

Pero ito na nga kaya ang moving on song niya sa paghihiwalay nila ng asawang ni Jason Marvin Hernandez?

Gladys, bumilib kay Robin

Naging star-studded na ang first Asia’s Golden Icons Awards na ginanap sa Okada Manila nung nakaraang Martes, June 28.

Ang laki ng pasasalamat ng presidente nitong si Dr. Ronnel Ybanez dahil sa pagdalo ng mga kilalang celebrities na ginawaran ng naturang parangal.

Naging emotional nga si Teresa Loyzaga dahil ngayon lang daw nabigyang halaga ang trabaho niya at pinarangalan siyang Most Admired Actress of the Philippine Cinema.

Ang pinagkaguluhan sa naturang parangal ay ang mag-asawang Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Ginawarang Asia’s Most Iconic Showbiz Perso­nality of the Year at ang asawang si Mariel ay Asia’s Most Empowered Actress and Vlogger of the Year.

Kahit ang isa sa awardees na si Gladys Reyes ay biglang na-starstruck kay Sen. Robin na napakabait daw sa kanya.

Text sa akin ni Gladys, “Nagkita-kita kami nila Sen. Robin at Mariel sa backstage, parang nahihiya pa si Robin na tinawag kong Senator. Napaka-humble and gentleman kahit tapos na sila ni Mariel, pag-akyat ko sa stage, inalalayan niya pa ako.

“Si Mariel naman napaka-charming. Parang ang saya kung magkakasama kami sa sitcom.”

Magkakasama kasi sila sa Net 25 na kung saan merong Moments doon si Gladys at may show din ang mag-asawang Sen. Robin at Mariel.

Si Gladys ay pinarangalang Asia’s Iconic Actress and Inspiring TV Host. Kaya nagpapasalamat siya sa lahat na bumubuo nito.

Ilan pa sa mga dumalo na mabuti at nakapasok sa Okada ay ang komedyanteng si Atak Arana.

Siya naman ang ginawarang Outstanding Comedian of the Year.

Hindi pa tapos ang isyu ni Atak sa Okada, at sa pagkakaalam namin ay ayaw niyang pumasok sa main entrance nito.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, sinundo raw ng guards si Atak sa may parking ng naturang resort hotel at dinala sa main ballroom. Maayos naman daw ang pag-asikaso sa kanya. Tumanggi na ang komedyanteng magbigay ng pahayag kaugnay sa naging isyu niya sa Okada Manila.

vuukle comment

MOIRA DELA TORRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with