^

PSN Showbiz

Alfred, emosyonal sa kanyang huling SODA

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Alfred, emosyonal sa kanyang huling SODA
Cong. Alfred
STAR/ File

Emosyonal si former Congressman Alfred Vargas sa kanyang huling ‘State of the District Address.’

Kabilang si now Councilor Alfred at Cong. PM Vargas sa mahirap ang naging laban sa nakalipas na eleksyon.

Hindi walk in the park ang kanilang karanasan.

Ilang araw bago nag-election noong May 9 ay humarap sila sa intertainment media dahil sa natanggap nilang death threat.

Pareho silang nanalo ni Cong. PM na dating councilor.

“For my last State of the District Address, I am honored to report that we are capping off our 3 terms as Congressman with more than 1,256 House Bills & Resolutions, 87+ Laws enac­ted, & a sustainable program that has benefited thousands of residents in our District. SHOW-MY… mula sa pahina 7

“We have always relied on people’s participation in practicing good gover­nance. We have achieved a lot because we’ve managed to discuss our people’s needs together & we were able to make decisions on the basis of our common care & concern for the general welfare of our people.

“I can sincerely say that we’ve done our best to serve our district & the Filipino people.

“I’m proud to pass the baton to another dignified public servant, Representative PM VARGAS @pmvargasph,” aniya sa kanyang post.

Pahabol niya, nasa mabuting mga kamay  ang 5th District ng QC.

Nabanggit na ni Alfred sa naunang interview na babalikan niya ang acting career ngayong mas maluwag ang trabaho ng isang councilor.

‘Huwag mo kong iwan,’ apila ni Ogie

May bagong love ballad ang OPM singer-songwriter si Ogie Alcasid na pinamagatang Huwag Mo Kong Iwan na kanyang kolaborasyon sa Filipino-American music producer na si Troy Laureta.

Ang legendary songwriter at It’s Showtime host mismo ang sumulat ng kanta na inareglo at prinodyus naman ng US-based musical director na si Troy.  Nangyari ang kanilang exciting collaboration kamakailan habang nasa Amerika si Ogie para sa kanyang concert tour.

Tungkol ang Huwag Mo Kong Iwan sa damdamin ng taong iiwan na ng kanyang pinakamamahal at pinaka-inaasahang tao. Nagsisilbi rin itong apila na iligtas siya sa matinding pananabik at kalungkutan.

Sinusundan ng pinakabagong Star Music release ang kantang I L Y na proyekto ni Ogie kasama ang Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid at It’s Showtime resident sound designer na si DJ M.O.D. na inilabas noong Abril.

Bago naman ang kolaborasyon na ito, nakipagsanib-pwersa din si Troy sa Star Music para sa kanyang Giliw album na isang compilation ng OPM ballads na binigyan ng bagong-buhay ng mga tanyag na mang-aawit mula sa iba’t ibang bansa. Isa sa album tracks nito ang Araw Gabi na pinerform ng American artist na si Loren Allred na may lyric video na umani na ng 1 million views sa YouTube.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with