^

PSN Showbiz

Richard, handa pa ring gumawa ng pelikula

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Richard, handa pa ring gumawa ng pelikula
Richard
STAR/ File

Kasunurang nanumpa ng actor-politician sa tungkulin ang asawang si Lucy Torres-Gomez bilang bagong Mayor ng Ormoc.

Matatandaang si Richard din ang na­ging Mayor ng Ormoc, Leyte nitong mga nakaraang taon. “Masarap ‘yung feeling kasi ibig sabihin, maganda ‘yung performance na ginawa namin. It’s our second election na naka-straight win kami dito,” bungad ni Richard.

Bukod sa mga layunin para sa mga mamamayan ng Leyte ay nais din umanong maisulong ng bagong Congressman ang restoration ng mga lumang pelikula para sa entertainment industry.

Naging inspirasyon daw ni Richard sa bagong layunin ang ABS-CBN Sagip-Pelikula na marami na ring nagawang restoration ng mga makabuluhang pelikula. “Ang dami nating pelikula na hindi na-store nang mabuti at nabubulok lang at inaamag. It is very important through the funds coming from the national government na gumawa tayo ng isang film archive nang sa gayon, ma-restore natin ang mga film stuff. Kasi, example na lang ang mga pelikula ko, nasa Quiapo na lang ginagawang torotot eh. So ‘yon talaga ang gusto kong palakasin. Kasi karamihan na-digitize na ng ABS-CBN eh. Nare-remaster na ng ABS-CBN pero kung tatanungin, siguro ‘yung mga pelikula namin ni Armida (Siguion-Reyna). Gusto ko rin sana makita ulit,” pagbabahagi ng actor-politician.

Kahit abala sa pagiging isang pulitiko ay posible pa ring makagawa ng pelikula si Richard. Matatandaang nagbida ang aktor kasama sina Sharon Cuneta at Kathryn Bernardo sa Three Words to Forever noong 2018. “Siguro mahihirapan pero pwedeng pag-isipan tulad noong ginawa namin ang Three Words to Forever. Dito talaga sila nag-shoot, mga 90% of the film dito lahat sa Ormoc (kinunan). So sina Sharon, Kathryn and the whole team, they were here for about a month. At the same time nakita rin ng tao na, ‘Uy! Maganda pala sa Ormoc.’” kwento niya.

Ejay, hindi inasahan ang pagkapanalo

Naging emosyonal si Ejay Falcon nang manumpa sa kanyang tungkulin bilang Bise Gobernador ng Oriental Min­doro. Nakasama ng aktor ang kasintahang si Jana Roxas sa naturang event na ginanap sa Calapan, Mindoro. “Sobrang emosyonal lang na tumayo sa entablado at opisyal na manumpa bilang Bise Gobernador. Halu-halo ‘yung nararamdaman ko noon. Ikalawa, overwhelmed ako sa suporta ng mga kababayan natin dito sa Oriental, Mindoro. Ikatlo, very proud siyempre sa sarili na kinaya ko. Lastly, may kaba pa rin dahil ito na ‘yon eh. Nanunumpa ako sa kanilang lahat na sila ay paglilingkuran. Siyempre, walang urungan ito at dapat magampanan ko talaga nang maayos ang tungkulin ko,” pagbabahagi ni Ejay.

Hindi raw inasahan ng aktor na siya ay papalaring manalo lalo pa’t wala namang karanasan sa mundo ng pulitika.

Marami ring kumuwestiyon sa kakayahan ng binata habang nangangapamya sa iba’t ibang barangay at bayan sa kanyang nasasakupan. “Kahit sinabi ng mga kaalyado ko na malakas ang laban ko at suportado ako ng maraming barangay ay pinili ko talagang huwag maging kampante. Kasi sino ba naman ako, isang baguhan sa ganitong mundo. Ang ginawa ko ay nag-focus lang ako sa kampanya at sa dapat kong gawin at ‘yon ay mas kilalanin ang mga taong paglilingkuran ko. Ipinaubaya ko na lang kay Lord talaga ang lahat,” paglalahad ng binata.

Kahit napasabak na sa pulitika ay hindi pa rin naman daw tatalikuran ni Ejay ang pag-arte sa harap ng kamera.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gagawa pa rin ng mga proyekto ang aktor sa show business. “Mahirap talikuran ang pag-arte at malaking bahagi ng buhay ko. Sa ngayon, siyempre focus muna tayo sa pagiging Bise Gobernador. Pinagkatiwalaan ako ng aking mga kababayan kaya gusto ko na ibigay sa kanila ang oras at atensyon ko, para magampanan ko nang maayos itong bagong papel ko,” pagtatapat ng baguhang politiko.

(Reports from JCC)

vuukle comment

RICHARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with