^

PSN Showbiz

Kris, naniniwala sa epekto ng perlas sa kanyang sakit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, naniniwala sa epekto ng perlas sa kanyang sakit!
Kris Aquino.

Sobra naman ‘yung pagkapayat ni Kris Aquino sa photos na lumabas lately, Salve. Talaga sigurong hindi nakayanan ng katawan niya ang pinagdaraanan niyang sakit, dagdag pa na nagka-COVID silang mag-ina nina Joshua at Bimby.

Talagang parang nagkasabay-sabay pagsubok sa pamilya Aquino kaya naman talagang kailangan nila ang dagdag na dasal.

Idagdag mo pang nasa US sila, malayo sa malalapit na mahal nila na madaling matulungan sila kung sakali.

Sana naman bumuti na ang kalagayan nina Kris, Joshua at Bimby. Malagpasan sana nila lahat ito. Emotionally makayanan sana ni Kris dahil as a mother talaga iisipin mong mas mabuti pang ikaw ang may sakit huwag lang ang mga anak mo.

Just be strong, Kris, fighting.

At tiyak maraming nagri-react doon sa suot ni Kris na pearl necklace. Akala ng iba, bakit maysakit na, naka-south sea pearls pa na gamit sa loob ng bahay. Hindi nila alam na may feng shui na nagsabi kay Kris na panlaban sa sakit at mga negativity sa buhay ang perlas.

Dahil ang pearl lang daw ang jewelry na buhay o may life kaya ito lang ang puwedeng absorber ng ating katawan.

Kaya dahil naniniwala rito si Kris, lagi siyang may suot na isang pearl jewelry araw-araw, be it necklace, ring, pendant o bracelet.

Si Kris talaga believer ng mga feng shui at oriental medication kaya naman traditional ang kanyang mga paniniwala.

Maganda nga na lahat ng sinasabi sa kanya tungkol sa medical procedures o bagay ginagawa niya at sinusunod.

Basta all prayers for the Aquinos – Kris, Joshua and Bimby. Gagaling sila at magiging healthy, dahil marami ang nagmamahal sa kanila.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with