^

PSN Showbiz

Merger ng ABS-CBN at Cignal may tsansang maudlot, Kapamilya ‘di na umaasa sa franchise?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Merger ng ABS-CBN at Cignal may tsansang maudlot, Kapamilya �di na umaasa sa franchise?!

Matapos magkaroon ingay ang diumano’y merger ng ABS-CBN at Cignal TV (MediaQuest), biglang pinahihigpitan ng National Telecommunications Commission ang blocktime arrangement at merger sa local television.

Ayon sa kumalat na memorandum dated June 23, pinaghigpitan ng NTC ang airtime na maaaring ibenta ng isang radio o TV station sa mga blocktimer – hanggang 50% lamang ng daily airtime at isumite ang lahat ng blocktime deal sa kanila (NTC) para sa pag-apruba ng ahensya bago ang pagpapatupad sa mga network.

Last year pa napapabalitang magkakaroon ng merger ang ABS-CBN/TV5 and Cignal TV at diumano’y in the bag na ang nasabing agreement pero talagang bago bumaba sa pwesto si President Duterte ay naihabol nila ang paghihigpit sa blocktimer.

Ilang araw lang din ang nakakalipas nang aminin ng outgoing president na  “Tinira ko talaga sila (ABS-CBN). I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels.”

Two years ago nang ibasura ng Congress ang franchise application ng ABS-CBN sa botong 70-11.

Napapanood sa TV5, Net 25, at ilan pang digital paltforms ang mga programa ng ABS-CBN sa kasalukuyan.

Hindi na rin diumano umaasa ang maraming Kapamilya ng panibagong franchise sa pagpasok ng bagong administrasyon umpisa ngayong araw lalo na nga’t uupong COA (Commission on Audit) Chair si former Solicitor General Jose Calida na naging kontrobersyal sa ABS-CBN closure.

Samantala, kahapon din kinumpirma ni Nobel Peace Prize laureate Maria Ressa ang kautusan ng Securities and Exchange Commission sa pagpapasara ng news website nila na Rappler.

Anyway, let’s hope for the best sa panunumpa ngayong araw ni President Bongbong Marcos.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with