^

PSN Showbiz

Princess Punzalan matapang na inilahad ang pinagdaanan bago magkaroon ng adopted child

Philstar.com
Princess Punzalan matapang na inilahad ang pinagdaanan bago magkaroon ng adopted child
Dating aktres na si Princess Punzalan
Instagram/realprincesspunzalan

MANILA, Philippines — Mangiyak-ngiyak ang dating aktres na si Princess Punzalan habang buong tapang na nilahad ang kanyang pinagdaan noong siya’y mabuntis ng maaga at hanggang ngayong may adopted child na siya.

Inamin ni Princess sa kanyang Instagram na nabuntis siya noong kinse anyos pa lamang siya at piniling ipa-abort ang bata sa kadahilanang takot siya sa kanyang ina at hindi siya pinanagutan ng nakabuntis sa kanya.

Paglalahad pa ni Princess na sa edad na 19, nagpakasal siya ngunit pagtapos ng apat na taong pagsasama ay kalauna’y nauwi rin sa hiwalayan. 

Sa kanyang mid 30’s muli niyang binuksan ang kanyang puso at nagpakasal uli ngunit hindi sila biniyayaan ng supling. Ayon sa aktres, ginawa na nila ang lahat ng pwedeng gawin para siya ay mabuntis ngunit hindi dininggin ang kanilang hiling. 

“We tried different kinds of ways to get pregnant but I did not get pregnant” ani Princess.

Dagdag pa ni Princess, “long hard climb” ang kanilang pinagdaan ng kanyang asawa upang makatagpo sila ng “match” na magiging anak. 

Laking pasasalamat ni Princess na piniling buhayin ng tunay na ina ng bata na ngayo’y anak na niya. 

"I'm so grateful that the birth mom didn't decide to kill her 'cause right now I'm so happy with my daughter and I'm very grateful that she is in my life," sambit ni Princess.

Sa ngayon masaya at kontento si Princess sa kanyang buhay sa US bilang isang nurseat sa piling ng kanyang asawa’t anak. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan  

vuukle comment

PRINCESS PUNZALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with