^

PSN Showbiz

Bagong season ng Idol Philippines, trending sa social media

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bagong season ng Idol Philippines, trending sa social media
Gary at Kimberly.

Mainit na tinanggap ng manonood lalo na ng netizens ang bagong season ng Idol Philippines nitong Sabado (Hunyo 24) at Linggo (Hunyo 25) kung saan napanood ang pagsungkit ng 17 anyos na Batangueña na si Kimberly Baculo ng kauna-unahang platinum ticket.

Napabilib nga ng dalaga ang judges na sina Regine Velasquez, Moira dela Torre, Chito Miranda, at Gary Valenciano sa kanyang interpretasyon ng bersyon ni KZ Tandingan na Isang Linggong Pag-ibig.

Ipinakilala sa bagong season ang platinum ticket, kung saan ang mga na­bigyan nito ay lulusot na sa unang dalawang round ng kompetisyon at dederecho na sa Solo Round. Tig-isang platinum ticket lang ang pwedeng maibigay nina Regine, Moira, Chito, at Gary sa audition rounds.

Sa unang linggo ng auditions, pinalad sina Misha de Leon, Dave Maramag, Ann Raniel, Jarae Ifurung, at PJ Fabia na makuha ang golden ticket para umusad sa susunod na round ng kompetisyon.

vuukle comment

IDOL PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with