‘K-pop yarn?’: Sharon Cuneta may opisyal na light-stick sa next concert
MANILA, Philippines — Tila Blackpink ang peg ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang latest Instagram post.
Ibinida lang naman kasi niya ang sarili niyang light-stick na maaaring bilhin ng kanyang fans para sa susunod niyang concert sa Manila.
"Our first official lightstick! Will be ready and out for purchase before my next Manila concert!" ani Megastar, Lunes.
"I know medyo tagal pa, but at least nauna na tayo at meron nang ready!"
Makikita sa naturang post ang paglalaro ng 56-anyos na aktres sa light-stick na nag-iiba iba ng kulay. Meron din itong malaking "M" sa gitna at nakalagay ang kanyang pangalan sa ibaba.
Kilalang fan ng Korean pop artists ang tinaguriang "Megastar," na maluha-luha pa hawak ang light-stick ng idolong SHINee sa Araneta Coliseum nitong Mayo.
'Iconic' concert
Nito lamang June 17 at 18 nang nagpasiklab ang Kapamilya Superstar kasama si Asia's Songbird Regine Velasquez sa Marriott Grand Ballroom para sa kanilang concert na "Iconic."
Ani Sharon, "blessing" na maituturing ang makatrabaho si Regine dahil tinuturuan siya nitong maging "better singer and performer."
"Reg [w]ho is my sister, my friend, my love. It's such a blessing to be given a chance to work with someone you really love and who also never stops teaching me even without her knowing," sambit niya sa isang media conference.
Una nang ginanap ang naturang concert noong 2019 kung saan sold-out ang lahat ng tickets.
"[W]e did 'Iconic' in 2019 and for me, it's such a dream come true. One of the most fulfilling concerts I've ever done in my entire concerting career because I was with my idol," ani Regine.
Nakatakdang ikasa ang Iconic concert US Tour sa July. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles
- Latest